Jan
24

sino’ng may sabi na madali ang nursing?

Filed Under (articlets, buhay narsing.) by fueledbymaruchanramen on 24-01-2006

sa totoo lang, naaasar ako sa mga schools of nursing na nagsasabi na madali lang ang nursing.  naaasar ako na isipin na magbayad ka lang ng 300,000 pesos per sem ay guaranteed na magiging nurse ka na after four years.

 

ulul! [censored]

 

sa totoo lang, ah!  sino’ng niloko n’yo?

 

ay, marami pala… [wink, wink]

 

pero in fairness, ‘di mo naman masisisi ang mga pilipino kung naghahangad sila ng magandang buhay.  ‘di mo sila masisisi kung gusto nilang mag-nursing para maiahon ang mga pamilya nila sa kahirapan.  ‘di mo masisisi ang mga doktor o engineer o abogado kung magna-nursing sila para makarating sa ibang bansa. 

 

mahirap ang buhay, eh.  lalo na dito sa pilipinas.

 

pero nananamantala naman ang mga schools of nursing na ‘to na nagsulputan na parang kabute.  naging in-demand lang ang nursing sa ibang bansa, eh naglabasan na na parang mga sari-sari store sa bawat kanto ng pilipinas.

 

bakit ko naihalintulad sa sari-sari store, kamo?  eh ginawa nang business ang nursing education ngayon, eh!  akala ng iba, ang nursing diploma ay yung tipo ng diploma na makukuha mo sa quiapo o recto – once paid for, makukuha mo na sa susunod na araw o sa araw na ‘yon mismo…

 

while you wait!

 

o kung alam lang nila!

 

akala kasi ng iba, ang nursing ay simpleng pagpupunas ng puwet ng mga dayuhan o pagsunod sa doctor’s orders o pagtutulak ng wheelchair o pagkuha lang ng vital signs o pagsusuot ng puting uniform with matching cap and stockings and shoes [cliché!] o pagpapaganda lang para ma-inspire ang mga pasyente na gumaling!

 

o kung alam lang nila!

 

akala kasi ng iba, basta alam mo na ang mga theories of nursing at kung kilala mo na si florence nightingale, eh pasado ka na sa board exams!  good luck!

 

o kung alam lang nila…

 

na nagsusunog kami ng kilay sa paggawa ng physical assessment with neuro assessment, nursing health history with risk factor assessment, holistic nursing care plan [meaning: body-mind-soul kasama], verbatim process recording, sandamakmak na research papers, community diagnosis, thesis, atbp. 

 

na kahit sabado, linggo, christmas break, at sem break ay ginagamit na namin para sa academics.  na imbis na itulog na lang ay nagbabasa pa sa pathophysiology para ‘di bumagsak kay dr. cambri.  na ang oras na itinulog ang siya ring dami ng maling sagot mo sa exam na meron every damn week!  na ang tulog mo na lang ay sa pagbiyahe at sa lecture ng boring na prof sa CAS. na kung pwede lang kainin ang mga pahina ng med-surg book para ma-impress si ma’am manahan ay ginawa na namin! 

 

na ang community health nursing ay immersion at ‘di lang basta-basta pangungumusta sa mga tao sa barangay.  na talagang mararamdaman mo kung paano mabuhay ang mga tao sa community dahil kakainin mo ang kinakain nila, matutulog ka sa tinutulugan nila, atbp.  na kung sinuwerte o minalasmalas ka [whichever way you put it] ay kay ma’am dones ka mapupunta.  at kung ‘di ka naman masyadong malas ay kay ma’am maglaya naman.  [kindat, kindat]

 

na halos ‘di na kami magkamayaw sa clinical duty at sa dami ng requirements na kailangang ipasa in one day.  na ang ‘di mga henyo ay mahihirapang makasabay. 

 

na kapag bumagsak ka sa math 11 ay delayed ka na ng isang taon at kung bumagsak ka pa after that ay dapat pag-isipan mo nang maghanap ng ibang nursing school.  na araw-araw, you’re confronted with the truth that you might not be here the next sem!

 

o kung alam ninyo lang…

 

na ‘di na pera ang habol namin ngayon.  [asus!]  na serbisyong tunay at mapagkakatiwalaan ang gusto naming maibigay sa sambayanan balang araw. [wushu!]  na minamahal na namin ang mga pasyenteng naaalagaan namin sa bawat ward o department na mapuntahan namin.  [ows?]  na kahit naisin namin na magtrabaho muna sa ibang bansa upang maiahon ang mga pamilya sa kahirapan ay nangingibabaw pa rin ang mga damdamin na magsilbi sa sariling bayan.  [charing!]  na mahal namin ang nursing ‘di dahil sa kung anong magagawa nito para sa amin, pero dahil sa magagawa namin para sa ibang tao.  [no comment.  (' ',) ]

 

idealist. pero totoo at some point.  sa sobrang hirap ng nursing, dapat ang iniisip na lang ng student nurses ay ang “for the greater good.”  anyway, nursing is an act of selflessness.

 

pahirapan ang nursing, maniwala ka.  kung ‘di ka nahihirapan sa nursing, mag-isip-isip ka kung nasa tamang school ka.  baka pineperahan ka lang at pinangangakuan ng magandang buhay.  baka pinapaasa ka lang.  pero in the end, ‘di mo maipasa-pasa ang boards. 

 

tandaan na hindi natutumbasan ng pera ang magandang kalidad ng edukasyon.

 

uulitin ko lang: mahirap ang nursing.  pero masaya, if you’re in it for the right reasons.  ‘nuff said.

 



7 Comments Already, Leave Yours Too

anjla on 19 February, 2006 at 4:14 am #
    

hehehe…
mahirap pow tlga un, pero
i dont think na yan ang sasabihin ng ibang nagpaloko sa mga business men na gustong pagkakitaaan ang mga college studs na walang maisp na course na makakatulong sa kanila kaya lahat ngnursing.
i remember a frend na nagdduty na, pagtinatanong daw siya ng relative ng ptient kng anong nangyayari, ang sinsabi niya lang “hintayin naten si dok”. wala lang, i think nurses ARE more than the itanong natin kay dok kasi may mga med related subjects din kayo ayt? bsyds, nakakaasar ung mga nursing skul na libo libo libo as in ang students tapos less than 50% lang ang pumapasa, saan pupulutin ung ibang nagwaldas ng pera? haaaayyyy….di tlga lahat kayang bilhin ng pera one of the gr8tst example ay ang edukasyon…. ^^;


glad on 22 February, 2006 at 9:41 am #
    

ganyan lang talaga ang buhay eh. ang pinaka-ugat talaga ng mga problema ng mga pilipino ay ang kahirapan…

ang new-age nurses ay hindi alalay ng mga doctors. kaparte sila ng health care team at mayroon silang independent nursing actions/responsibilities. nag-iisip na dapat sila at di parang robot.

:)


daYc dos on 29 July, 2006 at 7:14 pm #
    

ate gladys! ngaun ko lang nabasa ‘to..hehe. late comment.

nwei, i lab the entry. so true. ^_^ siguro in-demand lang tlga ang kurso natin ngaun, pero it’s not the easiest and fastest way to a million bucks. especially if you’re studying at the most sought-after college in UP. haha.

tsk. to serve the humanity. yes, ganun motto tlga. hehehe. pero kung ano man yun naitatak sakin ng UPCN, hindi lang yun acads side, pero yun matutunan tlgang mahalin ang bansa at pagsilbihan ang mga kapwa Pilipino. wiheee. cliche man, pero totoo!

weeh. good luck satin!!! :) go batch ‘07! *wink*


glad on 30 July, 2006 at 4:04 am #
    

hey daisy!

salamat sa comment. buti may nakaka-relate. he he. akala ko delusions of grandeur lang ‘to, eh.

anyways, god bless sa ‘tin! we can doh it! ha ha! =)


Katrina on 26 August, 2006 at 1:52 am #
    

ate glad, nagyon ko lang din to nabasa. hehe.
aun, mama ko nurse siya. akala ko noong bata pa ako, noong mas bata pa ko (wink), madali lang ang nursing. kasi un ang sabi sakin ng nanay ko.
pero ngayong college na ako, at next year sana graduate na (wink ulit), narealize kong we’re REALLY MORE THAN JUST NURSES. upcn produces quality, competent, the best nurses on this side of the planet, even on all of it’s sides! sabi nga ni mam dones, “kahit walang doctor sa isang barangay, kung UPCN graduate ang nurse na nandoon, buhay ang barangay na un.” ganoon tayo kagaling, kahit mga prof bilib satin.
sana lahat ng natutunan natin sa kolehiyo, sa community, sa pgh, sa ncmh, sana lahat un magamit natin sa pagbibigay ng kalinga sa sambayanang pilipino.
aun lang po. (wink again)
*wink*


glad on 29 August, 2006 at 11:42 pm #
    

hi kat!

wow. sabi ni ma’am dones ‘yon? dagdag na naman sa pressure. he he. sana, maka-measure up tayo sa expectations sa ‘tin.

but then again, i know for a fact that we will… it’s a responsibility that’s been placed upon our shoulders.

maraming salamat sa comment! =)


JC on 12 August, 2009 at 11:42 am #
    

300,000 for nursing, per sem, for 4 years. 2.4 M? Madami na palang milyunaryong pinoy ngayon? hahaha! Madali talaga ang nursing. kung hindi, konti lang sana ang nurse ngayon. Chaka sa ospital ang major gawain niyo lang naman magsulat sa chart ng mga nurse notes and magcarry-out ng orders. very noble? maraming nurse na mayabang. 8 hours nga lang mga shift niyo reklamador pa kayo. Marami ring takot sa responsibility, kaya nga nursing na lang kinuha dahil taga-sunod lang. You might have learned so many medical principles in school, and they might have even trained you about being compassionate or competent but swallow the facts. Nurses now are nurses for the money. bihira na lang ung gusto magserve. Madali talaga ang mag-aral ng nursing, at maging isang nurse. wag niyo na gawin pang kumplikado. Lets just say we have a fair share of hardships in this life


Post a Comment
Name:
Email:
Website:
Comments: