in case i get alzheimer’s someday, this might help…
tapos na ang duty ng group ko sa pediatric ICU last, last week pero dahil sa nasa CENICU na kami naka-duty this week, basically parang doon lang rin kami nagra-rounds (since nasa loob lang ng CENICU ang PICU). so kahit papaano, may access pa rin kami sa PICU.
kaninang umaga, napaaga ako nang dating sa CENICU to report for duty. as it turns out, ‘di maganda ang pakiramdam ng CI namin kaya she had to cancel. ‘tsaka ko lang nalaman nang dumating yung isa kong friend/groupmate, si tim. nasa biyahe na rin siya nung matanggap niya ang text ng iba naming groupmates.
since hindi kami pwedeng mag-duty sa CENICU at para ‘di masayang ang isang gabing walang tulog, pumayag ako sa iminungkahi ni tim: go to PICU. anyways, kailangan din kasi ni tim na mag-make up at ako naman, kailangan kong kumuha pa ng data sa chart ng patient ko sa PICU (kasi nga gagawan ko siya ng med paper). so nagpaalam kami kay prof manila. pinayagan kami.
–
ang parents ng 4-year old patient ko ay agit [pronounced as ah-jit']. and they’ve been that way ever since the world began. nag-iisang anak kasi nila ang patient ko and it’s been a difficult two months for them. and i understand that.
kaya nga, kanina, pagkatapos kong magtanong sa kanila ng ibang details re: my patient’s status, umalis na ako sa bedside to leave them alone with their kid. in any case, ‘yon lang naman ang ipinunta ko doon at ayoko namang makaabala. ‘tsaka, kako, may ia-assign naman ang CI namin sa patient ko kaya ‘di rin ako pwedeng magtagal.
–
habang naghihintay kay tim na matapos sa make up niya, i tried to work on a few things to keep busy. malamig sa CENICU. i have a very low tolerance for cold. puyat ako…
–
nakatulog yata ako kasi pagka-recover ko sa pagkakasubasob sa notebook ko, may parang nagtatakbuhang mga tao tapos ginigising ako ni tim dahil in distress daw ang patient ko. so bago pa man talaga bumalik ang ulirat ko, i was up and about at nagtatanong kay fat kung ano’ng nangyayari at kung bakit nagkaganon.
‘pagdating namin sa isolation room I, nagka-cardiac compressions na ang PICU consultant at nagbibibay na ng epi ang mga residents na nakapaligid sa bedside. nurses were going back and forth, retrieving paraphernalia. even prof manila was there to assist. my patient’s parents were nowhere to be found…
nag-code na ang pasyente ko.
apparently, after the routine positioning, na-dislodge ‘ata yung trache niya na naka-connect sa mech vent, nag-desat, tapos nag-cardiopulmonary arrest. ‘di lang ako sigurado.
dala na rin siguro ng feelings of guilt and sense of responsibility, naki-epal na rin ako at nakikuha ng mga kailangan ng physicians. kung eepal lang ako, might just as well make myself useful.
after about 3-5 minutes of CPR, na-revive na yung patient ko.
when the commotion subsided, nag-retreat na yung mga ‘di kailangan sa bedside - which includes me. anyway, patapos na rin ang duty by that time kaya nag-postconference na si prof manila, si tim, at yung mga classmates ko na naka-duty.
that’s when the adrenalin wore off… i broke down.
sa ‘di malamang kadahilanan, umiyak ako. dala na rin siguro ng takot, kaba, awa… guilt. natakot ako na baka mawala ang patient ko. kahit isang linggo ko lang siyang naalagaan, may meaning na rin kasi siya sa ‘kin eh. pinagkahirapan ko ring bantayan ‘yon. tapos magkakaganon lang. ‘di ko matanggap.
naaawa ako sa pasyente ko ‘tsaka sa mga magulang niya. marami na rin kasi silang pinagdaanan. at mahihinuha mo na talagang nahihirapan ang kalooban nila na nakikita siya na naghihirap.
nagi-guilty ako. ewan ko ba kung bakit. siguro dahil umalis ako sa bedside tapos natulog. tapos, ‘di ko pa malalaman na nag-code na pala yung pasyente ko kung ‘di pa ‘ko ginising. siguro OA lang ako. ‘di ko alam. confused ako.
oo nga’t ‘di na ako naka-assign sa kaniya. oo nga’t kung ‘di na-cancel yung duty sa CENICU, malamang wala kami sa PICU kaninang umaga. oo nga’t iniwan ko yung pasyente dahil agit ang mga magulang. but does that exonerate me? does that justify all that had happened? i could have been there. i could have seen it coming… or not. but i could have been there.
instead, natulog ako sa isang malamig na sulok ng CENICU.
and to think that that was the first time i slept in the clinical area. how traumatizing!
i’m never going to sleep again. ‘di bale nang pagod, basta gising. no excuses from now on.
di ko na malaman kung pagod lang ba ako o bumabalik na naman ako sa dati. it’s been like a month or two since i had my last breakdown. a few days ago, muntik-muntikanan na naman. for lack of a better thing to do, isisisi ko na lang sa environment and circumstances…
1. my sibs and i are having a fallout of a lifetime. ewan ko ba. ayoko na talagang nakikipag-away sa mga kapatid ko. and i’m usually very patient when it comes to them. kaya nga madalang na kaming nagkakaroon ng conflicts. i love my sibs and i know i’d never be the same without them. ang problema nga lang, nadi-disillusion ako sa pakikitungo nila towards me. siguro dala na rin ng ipinapakita ko sa kanila these past few years: i don’t put my foot down as often as i used to. ang rationale doon ay: it works… at least for me, kasi kung magpapataasan kami ng ihi, walang mangyayari. ang downside naman: i get picked on most of the time, kasi nga okay lang sa ‘kin eh. kapag may away, ako na lang ang tumitiklop.
iniisip ko, paano na kapag nagsitanda na kami at nagkaroon ng sari-sariling buhay? gustong-gusto ko pa namang isipin na someday, we’d still be living about a house apart from each other even when we already have our own families. yung ganon talaga ka-close. reality check: maaaring ‘di magkaganon. possible but unlikely. kasalanan ko rin siguro kasi, nangangarap ako nang mag-isa at ‘di ko man lang sila tinanong kung balang-araw eh gusto nilang manirahan kami sa iisang compound or something like that.
siguro natatakot lang ako. na baka mawala sila. mahal na mahal ko kasi ang mga kapatid ko eh. but then, i guess i’ll get over it.
2. my lola’s back from PGH. na-confine siya dahil sinabi ko sa “caretaker” niya (uncle ko) na may bradyarrhythmia siya. siyempre, ‘di ko naman ma-assess kung anong pacemaker ang nagwo-work kasi walang available na cardiac monitor, pero i assumed na ‘di na nagwo-work ang SA node niya dahil around 40-60 na lang ang heart rate niya. so ‘yun nga, sabi ng cardiologist ni lola, dalhin na siya sa PGH. ang ikinaasar ko ay ito: dapat siguro, noon pa nalaman ‘yon kung constant ang monitoring ni lola. kaya nga lang, ‘di ako makapunta ng madalas dahil nga rin sa marami akong inaasikaso. kung bakit ba kasi, may asawa ang uncle ko na “nurse” pero ‘di man lang nila makunan ng simpleng BP o PR ang lola ko? is it out of “incompetence” or mere apathy? hmm… i think it’s both. kaya naaasar ako.
ngayon, nangagailangan si lola ng constant monitoring. nag-”request” ang uncle ko (it was actually more of an order than a request) na pumunta “regularly” para kunan si lola ng vital signs. good luck naman. i’m currently working on my med paper and in two weeks, psych nursing na kami. ‘di ba nila maintindihan na ‘di ko kaya? na may sarili akong buhay? na may mga problem din akong dapat harapin?
okay lang sa ‘kin na bantayan ang lola ko. walang problema doon. ang kinaaasar ko: meron namang pwedeng gumawa ng ginagawa ko pero ako pa rin ang pinupuntirya. paano na nga ‘yan, eh ‘di nga ako makapunta araw-araw? maawa naman sila.
3. ito pa: ang papa ko naman, nagsa-succumb agad sa “requests” ni uncle. lately kasi, “chums” na sila. but i’m not going to dwell on that. ang sa akin lang, matuto si papa na magsabi ng “no.” medyo nawawala na kasi sa vocabulary n’ya ‘yon eh. kasalanan ko din siguro kasi matigas ang ulo ko. but going back… kapag nasanay kasi ang isang tao na lahat na lang ng “requests” n’ya ay nasusunod, aabuso na ‘yan. lalo na kung may tendency na mang-abuso. wala akong ini-imply.
4. and yet another: kapag binabantayan ko si lola, feeling ko, inaalila ako at inuutus-utusan. ‘di ko alam. confused lang siguro ako. nasasaktan kasi ang pride ko lately. gusto ko kasi, kapag may ginagawa akong mabuti, ‘di bale na na walang reward basta maganda ang pagtrato sa ‘kin. si lola kasi, may tendency na magsungit at maging overbearing. ayoko lang siguro nang ganon kasi i’m doing everything i could to help her and give her comfort kasi she’s going through a rough time.
kaya lang, ako naman ang naaapektuhan. ano ba ‘to: may caregiver burnout na ba ako at such an early age? paano na kung nagsimula na akong magtrabaho? paano na ‘pag ang mga magulang ko naman ang kailangan kong alagaan? baka maging tigang na ‘ko pagdating ng panahon. baka someday, i might not give a damn anymore…
—
gusto ko muna sigurong magpahinga. mag-hibernate if only for a few days. kaya lang ‘di pwede. wala akong break bago mag-psych. wala na namang tulugan ‘to.
naaalala n’yo pa ba sila?
brent gore a.k.a. matt garrison from “california dreams”
he played the cute frontman of “the dreams” in the teen show “california dreams” which aired in rpn 9 sometime in 1992. he left the show in 1994, and I haven’t watched it or seen him since. i’ve just searched his current whereabouts in the net. he’s a solo artist now and he has just released an album entitled “movies.” he is currently in l.a. recording and producing his music. there’s a rumor that he’d be touring in europe but that’s unofficial as of the moment. he currently has his own website.
kurata tetsuo a.k.a. robert suzuki/masked rider black
do you remember his fighting stance, the grey jacket and black bike gloves, and his flawless hair? god, i still remember how gorgeous he looked while he rode his bike and how he stretched and maneuvered his arms in a ritualistic manner to become the masked rider! mrb was my favorite jap hero back then. i have no idea where he is now but there are still some fanatics who keep pictures of him in their webpages. [sigh, sigh...]
richard dean anderson a.k.a. macgyver
he’s the man with the plan! for an 80’s & 90’s kid like me, macgyver was the ideal man! with his blonde-and-blue looks and his brilliant talent for making things out of nothing at all, it’d be a shame for him to be forgotten. the last thing i saw of richard dean anderson was his stint in a sci-fi tv series. stargate, i think. i’m not really sure. i didn’t really like the show.
mark-paul gosselaar a.k.a. zack morris from “saved by the bell”
okay, so he’s not that lost. he’s currently in one of the most popular police drama series in tv today – nypd blue. but it did take him a while. from the blond teen icon of the 90’s, he has proven himself worthy of being called an enduring actor. most kids never get to the point of popularity when their hairlines start thinning.
haaay. sino pa ba? that’s about it for now. [reminisce, reminisce...]