Aug
23
Filed Under (articlets, buhay narsing., reviews) by fueledbymaruchanramen on 23-08-2006

medyo huli na ‘to pero wala akong pakialam…

~~

oist, ikaw.

ikaw na 5th sa katatapos lang na nursing licensure board exam… ano nga ulit ang pangalan mo?  bakit nang tanungin ng media kung ano’ng stand mo sa “leakage issue” eh sinabi mo na ‘wag na lang mag-retake ng boards?  ‘di ba 5th placer ka?  ano’ng ikinatatakot mo?

you smell fishy ha.  —> no grammatical error here. just plain mockery.

sinasabi n’yo na ‘wag na lang mag-retake kasi ‘di n’yo naman kasalanan at ang may kasalanan lang ang dapat magbayad/maparusahan.  pero paano nga malalaman kung sino ang may kasalanan kung ‘di magre-retake?

ganito ‘yan ehisn’t it possible na yung mga nakapasa sa unang exam at ‘pagkatapos ay bumagsak sa retake ay yung mga nakatanggap ng leakage?  so yung mga nakatanggap lang ng leakage at nag-cheat ang dapat matakot sa retake, ‘di ba?

bakit ayaw n’yong mag-retake kahit yung test 3 and 5 lang?  hmm… makes me wonder…

~~

kayo naman na gustong mag-retake ng lahat ng tests?  anong school nga pala kayo?  bakit n’yo gustong magretake ng lahat ng tests at ‘di lang ang tests 3 and 5?  kasi ang pagkakaalam ko, yung dalawang tests lang na ‘yon ang apektado ng leakage.  ‘tsaka, ‘di ba, sayang sa resources kung uulitin lahat ng tests?

is it out of concern for the nursing profession that you opt for this alternative course of action?  is it out of your deep and gracious love for your country?

i doubt it.

‘di ba yung valedictorian n’yo, ‘di nakapasa sa boards?  how queer is that?  tapos ‘di ba, yung rating n’yo this year is the lowest you’ve had in years?  is it possible that you’re opting to retake all tests because you want your rating to go higher?

hmm… makes me wonder…

~~

batu-bato sa langit… ang tamaan, ‘wag magpahalata.

~~

I’M IN SUPPORT OF THE UP COLLEGE OF NURSING’S CALL FOR THE RETAKING OF TESTS 3 AND 5 ONLY.