Sep
05

IDOL!

Filed Under (dear diary..., the depression chronicles.) by fueledbymaruchanramen on 05-09-2009

 

Grabe, idol ko talaga ate Jovir ko. As in.  (Sana nababasa n’ya ‘to.)  Gusto ko nang maging bum for the rest of my life! Biruin mo ‘yon? Pa-training-training na lang sa TESDA, may allowance pa siya na pinambibili nya ng damit?  Wow, ‘di ba?  Ako kasi, nagtrabaho muna ako for several months bago ako nakabili ng sarili kong damit eh.  Kasi before I got employed, most of my clothes are hand-me-downs from my sister, Glen.  Yung mga first months ko kasi sa work, yung salary ko, binigay ko kay Papa para pambayad ng renta.  Oh ‘di ba?  Ilang linggo lang siyang nag-training eh meron na siyang new wardrobe?  IDOL talaga!  Dapat siguro, ‘di na ako naghanap ng work at all.  Dapat siguro, nagpaka-bum na rin ako katulad niya! 

At eto pa isa: sana ‘di na lang ako naging matalino.  Kasi mas mabuti pa ang ate ko, kahit bobo at walang kadiska-diskarte, aba, eh nakakakain at may natutulugan. For free!  ‘Di mo na kailangang maging matalino ngayon.  Dapat marunong ka lang manggamit ng kapwa mo at mabubuhay ka na.  Maging leech ka lang, you’ll live forever!  ‘Di mo na kailangang magpakasipag at magbali ng buto katulad ng ginagawa ng Mama ko sa States para mabuhay.  Kailangan lang, anak ka sa labas at iniwan ka ng tatay mo para meron kang leverage na pwede mong magamit para ‘di ka na magtrabaho!  Wow!  Grabe, talagang super idol ko ate ko.  She’s the best!  Can’t ask for a “better” sister!  Ang swerte ko talaga sa mga kamag-anak.  Kung ‘di rapist, moocher naman!  Swerte ko talaga…

At eto pa: magkaka-work na “naman” ako this September pag ibinigay na ang job offer sa Datacom.  Second job ko na ‘to.  Gladys: 2 points.  Jovir: nil.  Zero.  Wala. Kulelat. Olats. Nada.  Oo, bilangan na ‘to.  At wala na ‘kong pakialam!

Kung ‘di lang ako “naaawa” sa kanya, matagal na akong nagkatrabaho “uli.” Bakit kamo?  Eh nakakahiya naman kung magkakaroon na ako ng trabaho uli samantalang siya, eh, bum pa rin. Palamunin.  Moocher.  Kahit na ano ang gawin ko, ‘di pa rin niya ma-gets!  Ang bobo talaga.  Tama ang Papa ko…

Tama si Papa.  Walang alam si ate.  Wala siyang skills.  Ma-PR, oo.  Maboka, oo.  Pero hanggang doon lang.  Hanggang salita lang.  Hanggang daldal lang.  Hanggang dito na lang siya at wala na siyang mararating.  Kaya naaawa si Papa sa kanya.  Kaya walang ginagawa si Papa about it.  At naaawa ako kay Papa…

Sige, ako na “naman” ang magpaparaya.  Ako na lang “uli” ang mananahimik.  Kahit sobrang gusto ko nang pumutok sa galit, ayos lang.  Carry lang.  Titiisin ko na lang.  Magpapaka-busy na lang ako sa trabaho “uli.”  Papagurin ang sarili para ‘di na mapansin ang nakapanlulumong sitwasyon sa bahay.  Iisipin ko na lang na lahat ng paghihirap na nararanasan ay may katumbas na biyaya galing sa Kanya. 

Sana nga.

Dahil pagod na ako.

 



Comments are closed.